Presenting different foods and other Philippine related events, images, stories, etc....
Search This Blog
Monday, August 23, 2010
The Usual Pulutans in the Philippines
Let's talk about our usual pulutans pag may konting mga happenings naman ngayon. Mahilig ang mga pinoys na magpulutan pag nag-iinuman at nagkakasayahan. Kahit ano na lang siguro ay puwedeng pulutanin. Sa estates noon eh pag nakainuman mo mga kano, siguradong doritos or any chips with cheese pa ahi hi hi. Back in the days, mga barkada ay pumupunta rin sa mga bars o kaya beerhouses. Medyo may saganang pera dahil kakasahod lang ng mga friends ko from working in the fields o kaya nakapuslit at naibenta niya ang tatlong sakong bigas ahi hi hi. Syempre, pabeer beer na kami at dapat may pulutans. Kaya lang sa dami naming pumupunta, kailangan pa ring magtipid para magkasya ang aming budget. Order ng isang platitong sisig then order din na maraming rice. Mixed mixed parang mason style, buhusan ng pagkararaming hotsauce or ketchup at re-timplahin with paminta and asin..eh di, dumami pulutan di ba? Pag sa kanto kanto lang kami, syempre Gin yan...at least may manggang hilaw at isawsaw sa bagoong. Kung talagang cowboy cowboy lang style (ipunin namin lahat ang aming mga barya at pagsama-samahin...okey na rin ang isang supot ng mani. Okay rin ang sardinas, cropek (chicharong bulaklak), pee wee or oishi). Puwede rin ang dinurog na skyflakes at ihalo sa century tuna. Hay naku, maraming mga pulutans diyan and solve na solve ka na. By the way, what do you know about the "Happy Horse"---yung pulang kabayo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment