Search This Blog

Monday, August 23, 2010

Kilaweng Bangus (Milkfish)

There is a first time for everything ika nga nila ahi hi hi. Last night, first time ko ang makatikim ng "Kilaweng Bangus." Ang alam ko sa bangus ay inihaw, prito, sinigang, paksiw, at relleno. Nagpabili ako ng beer dahil nagparinig ang isang kaibigan. Gusto nilang uminom with my company, kaya lang wala naman daw money ahi hi hi. Ahhh, nasakyan ko naman kaagad, so sa madaling salita, nagpabili na lang ako ng beer. Sabi ko, sa akin ay dalawang San Mig Lights lang ha. Oo kuya sabi naman nila, pero kami Red Horse. Okey dokey. Habang nagkukuwentuhan about past life of an old friend nila na dating hanip na rakista, naglabas si Resty ng pulutan. Eto pala o, ginawa ko kanina, "Kilaweng Bangus." Ano yan? sabi ko... I was surprised dahil ngayon ko lang narinig na kinikilaw pala ang isdang eto eh ang tinik tinik kaya. I tasted it, kilawen nga ang malinamnam...parang talaba. No more tiniks, maganda ang pagtimpla nila...with vinegar, chopped onions, konting chopped ginger, at maraming sili. Malasa nga siya and to my surprise eh "boneless na nga". Sabi ni Resty...alisin mo lang daw mga main tiniks niya at mga ibang maliliit na tinik ay nalulusaw na dahil sa pagbabad sa suka. Hmmm, ganon pala yun? Anyway, I tasted it already and maybe one time, I will try to do it myself. Pangpulutan lang naman ahi hi hi...

http://www.bigextracash.com/affiliate/scripts/click.php?tst_cl=1

No comments:

Post a Comment